26

By

DSWD, lagyan na ng bagong secretary – solon

Sharing is caring!

Hinimok ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na ng kalihim sa Department of Social Welfare and Development.

Ang DSWD ay pinamumunuan ngayon ni Undersecretary Emmanuel Leyco bilang officer-in-charge, simula noong umalis si

Secretary Judy Taguiwalo noong August 2017.

Sabi ni Salo, may limitasyon ang kapangyarihan sa pamumuno ng OIC kaya maaring maapektuhan ang implementasyon ng mga programa ng ahensya.

“It would be best for the DSWD to have a Secretary at the soonest possible time. Many of the government’s safety nets and social protection measures are with the DSWD. Having an OIC with limited management authority can inhibit the full implementation of those DSWD programs and projects,” paliwanag ni Salo.

Ayon pa sa kongresista, malapit na rin ang budget deliberation para sa 2019 national budget at hindi anya basta maaaring magcommit ang OIC lamang sa mga miyembro ng Kamara na didinig sa ipapanukalang pondo ng DSWD.

Inirekomenda rin nito na gawin nang permanente si Leyco sa halip na caretaker lamang.

“One option available is to promote Usec. Leyco to the post of Secretary, not just have him serve as caretaker OIC, so he will have all the authority he needs to make decisions at the DSWD,” ani Salo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?