32

Apr 2, 2020 @ 15:59
By

DSWD kinalampag ni Sen. Gatchalian

Kinalampag ni Senator Sherwin T. Gatchalian ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) na bilisan ang pagpapalabas ng pondong pantulong para sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Sa panayam ng DZRH kay Senator Gatchalian, sa dalawang linggo mula March 16, hanggang March 31 na ECQ, umabot na sa mahigit P1 bilyon ang nagamit ng mga Local Government Unit (LGUs) para sa mga residenteng nawalan ng kita sanhi ng lockdown.

Lumalabas na P56.1 bilyon pa lang ang naipalabas ng DSWD katumbas na 4.6% pa lang ang tulong na nagawa ng nasabing ahensiya.

Pinalilinaw din ng Senador sa DSWD ang patakaran ng pagtukoy sa mga pamilyang bibigyan ng cash assistance sa ilalim ng Bayanihan To Heal as One Act.

Sa Valenzuela City, 155,000 ang bilang ng mga bibigyan batay ito sa datos noong 2016, pero lumalabas na P95,000 lang ang mabibigyan ng cash assistance ng DSWD at ang 50,000 katao ay nganga na.

Nangangamba ang Senador na sa oras na hindi makatanggap ang 50,000 katao, posibleng lumabas ito sa kalsada at magwala’t sisihin ang lokal na pamahalaan at mga barangay captain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?