22

Jan 9, 2022 @ 15:26
By

DSWD: Higit 50K pamilya nasa evacuation center pa rin

Nasa 50,700 pamilya pa rin ang nasa evacuation center matapos salantain ng Bagyong Odette ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa The DSWD’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 196,434 indibidwal pa rin ang namamalagi sa 1,108 evacuation site.

Ang mga apektadong rehiyon ay ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen at Caraga.

Dagdag pa riyan, nasa 891,626 kabahayan ang bahagyang nasira habang 339,275 naman ang tuluyang nawasak.

Samantala, nagbigay naman ng tulong ang DSWD, local government unit (LGU), at ilang non-government organizations (NGOs) sa mga pamilyang apektado. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?