39

Jun 19, 2020 @ 15:18
By

DSWD bukas sa imbestigasyon sa ayuda

Malugod na tinanggap ni DSWD Undersecretary Glen Paje ang gagawing pagsisiyasat ng Kamara sa umano’y delay sa pamimigay nila ng cash aid habang may COVID-19 crisis.

“Ang move na ito ay isang welcome na activity para sa DSWD dahil ito ay isang opportunity para maipaliwanag natin ‘yung side naman natin kung ano man ‘yung nais nilang malaman,” sambit niya sa panayam sa Dobol B sa News TV, Biyernes.

“Ganon din po, marami din po tayong mapupulot at matututunan dito na mga siguro constructive criticism upang maisama natin ito sa mga lessons learned at maiconvert natin into good practices,” dagdag niya.

Sa susunod na linggo magaganap ang House inquiry ukol sa pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.

Tinulak ito nina Speaker Alan Peter Cayetano, Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, Raneo Abu, Dan Fernandez, and Neptali Gonzales, at Representatives Theresa Collantes, Cristal Bagatsing, Ruth Mariano-Hernandez, at Manuel Luis Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?