61
mmda-rerouting
Aug 14, 2018 @ 19:53
By

Dry-run ng ‘single ban’ sa Edsa simula na sa Miyerkoles

SISIMULAN na bukas ng MMDA ang dry-run ng panibagong traffic-reducing scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na tanging ang driver lang ang sakay na bumagtas sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hours.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia kapag naging maayos ang ‘dry run’ makalipas ang isang linggo ay agad na nila itong ipapatupad.

Aniya ang multa sa mga lalabag ay P1,000.

Ipapatupad ang ‘single ban’ sa kabila ng pagbatikos dito na ng mga motorista, maging ng mga netizens at ang pagtutol ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services.

Una nang sinabi ni Poe na dapat ay maglabas muna ng patunay ang MMDA at Metro Manila Council na magiging epektibo ang naturang plano.

Aniya 70 porsiyento ng mga sasakyan sa EDSA ay tanging ang driver lang ang sakay at ang MMDA na mismo ang nagsabi nito.

Ipapatupad ang High Occupancy Vehicle Lanes policy ang kahabaan ng EDSA mula Balintawak sa Quezon City hanggang sa Magallanes sa Makati City.

Sakop nito ang mga pribado at pampublikong sasakyan, maliban sa mga motorsiklo at ipapatupad simula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at ala-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Papayagan naman ang mga driver-only vehicles na tumawid sa mga intersection sa EDSA sa mga nabanggit na oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?