35

Dec 13, 2017 @ 18:04
By

Dry run ng HOV lane, puwedeng maulit – MMDA

Ikinokonsidera ng MMDA na subukan pa ng isang linggo ang EDSA High Occupancy Vehicle (HOV) lane.

Ayon kay Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, maaaring kailangan pa ng dagdag na panahon para makasanayan na ng mga motorista ang panibagong dedicated lane sa EDSA.

Sinabi nito na sa ganitong paraan ay mapapag-aralan pa nila ang maaaring solusyon sa mga heavily tinded na sasakyan na gumagamit ng HOV lane.

Nabanggit nito na mula sa higit 4,000 na tinted vehicles na dumaan sa naturang linya sa unang araw ng dry run noong Lunes, bumaba na ito kahapon sa halos 1,000. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?