152

Dec 11, 2017 @ 11:30
By

Dry run ng EDSA high occupancy vehicle lane, sinimulan na

Inumpisahan na kanina ng Metropolitan Manila Development Authority ang isang linggong dry-run para sa high occupancy vehicle (HOV) lane.

Ang HOV lane, ang ikalimang lane o leftmost lane sa EDSA, ay ilaan para sa mga sasakyang may lamang dalawa o higit pang pasahero.

Ang mga sasakyan na isa lang ang laman ay maaring gamitin ang motorcycle lane gayundin ang second at third lane mula sa tabi ng Metro Rail Transit 3.

Kapag pormal nang naipatupad ng MMDA ang HOV lane, ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P500. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?