26

Mar 29, 2021 @ 11:15
By

Drummond kasado na sa Lakers

Selyado na ang paglipat ni Andre Drummond sa Los Angeles Lakers.

Nitong Linggo ay inanunsyo ng koponan ang pagkuha sa two-time NBA All-Star matapos itong pakawalan ng Cleveland Cavaliers.

“Andre Drummond gives us powerful, anchor-point skills on both ends of the court,” ayon kay Lakers general manager Rob Pelinka.

“We feel extremely fortunate to add a player of his caliber and magnitude to our core group at this stage of our journey to defend the NBA title.”

Sa Instagram post naman ni Drummond, makikitang nakalapat na sa kanya ang Lakers jersey at excited na muling magbalik sa ring.

Pebrero ay nagpahinga na sa paglalaro si Drummond habang hinihintay na ma-trade o bitawan ng Cleveland.

Sa kasalukuyang season, nag-average si Drummond ng 17.5 points at 13.5 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?