0
views
Abante-TnT--harry roque
By

Drug war wa epek sa supply ng droga, hindi totoo ‘yan – Palasyo

Sharing is caring!

Kinontra ng Malacañang ang obserbasyon na tila hindi nauubos ang supply ng iligal na droga partikular ang shabu sa bansa sa kabila ng pinaigting na anti-drug war ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang batayan ang obserbasyon ng ilan dahil kung pagbabatayan ang datos ng mga awtoridad ay bilyon-bilyong halaga ng droga ang nahuli at sinira na ng gobyerno.

Sa unang taon pa lamang aniya ng kampanya ay marami-raming mga laboratoryo ng shabu ang winasak ng mga awtoridad at ito ay malaking kawalan sa mga sindikato ng iligal na droga.

“Hindi ko po sigurado kung walang pagbabago kasi napakalaki na po bilyones na worth of drugs ang nahuli at nasira ng gobyerno and they have been destroyed. So I dont think na accurate,” ani Roque.

Bagama’t sinabi aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa rin tuluyang nagwawagi sa giyera laban sa iligal na droga, aasahang sa pagtatapos ng kanyang termino ay bakasakaling magkaroon ng deklarasyong nagwagi na ang gobyerno.

Pero sa ngayon, ani Roque, ay magpapatuloy ang giyera laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kung bibigyan aniya ng grado ang anti-drug war na ginagawa ngayon ng gobyerno, sinabi ni Roque na nasa 8.5 na ang marka ng mga awtoridad sa paglaban sa mga sindikato ng illegal drug trade.

“From a scale of 1 to 10, bibigyan ko ng 8.5. Marami na pong nagawa. Surveys indicate na majority of our people, 80 plus of our people feel safer, they feel more secure in their homes dahil nga po dito sa drive against criminality and the war against drugs. Eighty six percent po ‘yung datos na nanggaling sa survey na nakita ko,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?