123

Jul 22, 2018 @ 17:51
By

Drug war ng Duterte admin, malaking kabiguan – de Lima

Inihayag ni ni Senadora Leila de Lima na malaking kapalpakan ang madugong giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa nakakulong na senadora, pinatay sa nakalipas na dalawang taon ang maliliit at mahihirap na suspek sa pagbebenta ng droga samantalang patuloy na nakalalaya at nakapagbebenta ng droga ang mga drug lord.

“Niloloko na lang ni Duterte ang sarili niya sa pag-iisip na gumagana ang palpak niyang war on drugs. Sa loob ng dalawang taon, nagbunsod lang ang marahas at madugo niyang polisiya sa pagpatay sa libo-libong maralitang Pilipino, habang malaya pa rin, kundi man inaabswelto ang malalaking drug lords,” sabi ni De Lima.

Mula noong ilunsad ang war on drugs ng administrasyon, sinabi ni De Lima na mismong Philippine National Police (PNP) ang nakapagtala ng 22.983 na kaso ng pagpatay, karamihan ay death under inquiry (DUI) kung saan pumapasok ang napatay na drug suspect dahil diumano’y nanlaban sa mga otoridad.

“Obviously, Duterte’s drug list has not produced the filing of criminal charges, but instead resorted to short cuts with the killing-spree of small-time drug users and dealers. Worse, we have yet to see or hear high-profile drug traffickers getting apprehended,” sumbat ni De Lima.

Ayon pa sa senadora, umiral ang kultura ng karahasan at pag-abuso sa hanay ng pulisya sa gitna ng drug war.

“Mr. Duterte’s war on drugs has inspired this culture of violence and brutality. He should realize that violence will never solve the drug menace in the country and will only lead to more crimes committed by state authorities,” dagdag ng nakakulong na senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?