60

Mar 8, 2021 @ 21:24
By

Drug war malaking tagumpay – Palasyo

Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na bigo ang kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nabigo ang gobyerno sa anti-drug war dahil nakita naman ng mga Pilipino ang mga pagbabago simula nang ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra iligal na droga.

Malaki na aniya ang ipinagbago ng bansa kumpara noong nakalipas na administrasyon na talamak ang krimeng may kinalaman sa iligal na droga.

“Mahigit kalahati na po ng ating mga barangay ay drug-free, so sa akin po ay hindi iyan failure, iyan ay malaking tagumpay,” ani Roque.

Mayroon pa aniyang isang taon at ilang buwan para makamit ang hinahangad na ganap na tagumpay kontra iligal na droga.

Mas maganda, ani Roque, kung 100% na drug-free ang bansa para sa katiwasayan ng mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?