51

Nov 15, 2019 @ 18:57
By

Drug war ‘di paramihan ng napapatay – Hontiveros

May ilang suhestiyon si Senadora Risa Hontiveros na makatulong kay Vice President at anti-drug czar Leni Robredo para magtagumpay sa kampanya kontra iligal na droga.

“Hindi ito contest kung sino ang may pinakamaraming pinatay. Ito ay tungkol kung ano ang pinakamagandang istratehiya na magkukulong ng pinakamaraming drug lords at sasagip at rereporma sa pinakamaraming buhay,” sabi ni Hontiveros.

Sa pulong ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), sinabi ni Robredo na dapat umanong tratuhing isang ‘medical and sociological problem’ ang problema sa droga at hindi lang isyung kriminal.

Sabi ni Hontiveros, ang drug addiction ay isang health issue at ang talamak na pagtutulak ng droga ay seryosong krimen.

“On the demand side, we need to push for the implementation of a barangay health and rehabilitation program,” suhestiyon ni Hontiveros.

Ilan umano sa health approach na dapat ikonsidera ni Robredo ay ang pagbubuo ng recovery court na tutulong sa mga drug dependent na maging drug-free.

“On the supply side, a modern, rights-based drug law enforcement which will focus on big drug lords and syndicates is needed,” ani Hontiros.

“Under this approach, among her suggestions was the internal cleansing of law agencies to ensure that they are not infiltrated by elements corrupted by drug syndicates,” dagdag nito.

Dapat umanong palitan ang “kill, kill, kill” policy ng gobyernong 4K approach o kalusugan, kapulisan, katarungan at komunidad.

“Ito ang mga sentrong programa ng isang public health approach na lulutas sa problema ng ilegal na droga (These are the central programs of a public health approach that will solve the problem against illegal drugs),” ayon kay Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?