123

Nov 2, 2017 @ 19:38

Drug war cash reward, hindi totoo – PNP

Hindi nagpapatupad ng polisiya ang Philippine National Police (PNP) na nakasaad ang pagbibigay ng cash rewards sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspect.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid matapos ang ginawang survey ng Social Weather Station (SWS) na 65% sa mga Pinoy ay hindi sang-ayon sa pagbibigay ng cash reward sa isang pulis na nakapatay ng drug suspect, 15% ay sang-ayon habang 20% ay undecided.

Paliwanag ni Madrid, walang kautusan ang liderato ng PNP na pumatay ng drug suspect kaya hindi rin daw nangyayari sa PNP ang pagbibigay ng cash reward sa mga pulis.

“There is no policy for giving cash rewards to police who killed any drug suspect. Linawin ko wala namang order na talagang papatayin ‘yung mga drug suspects so how much more ‘yung giving of cash rewards to those police officers who were able to kill drug suspects,” giit ni Madrid.

Sa kabila nito, sinabi pa ng tagapagsalita na nirerespeto nila ang resulta ng survey ng SWS habang nanindigang hindi nangyayari sa kanilang organisasyon ang ganitong illegal activity. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?