103

Drug users na celebrities, nanganganib sa pagkakadakip kay Cogie Domingo

Dati nang napapabalita namay masamang bisyo si Cogie Domingo na naging dahilan ng pagtamlay ng showbiz career niya pero puro haka-haka lamang ang lahat.

Kahapon nadakip si Cogie ng mga ahente ng PDEA Region lV sa isang anti-illegal drug operation sa Parañaque City kaya tumibay ang hinala na may katotohanan ang balita na drug user siya.

Si Cogie ang pangalawa sa mga popular actor na nadakip dahil sa iligal na droga. Buwan din ng Oktubre noong nakaraang taon nang hulihin si Mark Anthony Fernandez ng Angeles City Police sa Pampanga dahil sa isang kilo ng marijuana na nasa pag-iingat niya.

Ang pagkakadakip kay Cogie ang naging mitsa para maungkat muli ang listahan na hawak ng Philippine National Police tungkol sa mga local celebrity na lulong sa paggamit ng illegal drugs na mainit na pinag-usapan noong 2016. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?