194

Nov 17, 2017 @ 17:58
By

Drug trafficking case ni ex-BuCor OIC Ragos, ibinasura ng DOJ

Kapalit ng pagdedetalye ng kanyang nalalaman kaugnay ng pinanggalingan ng pera na kanyang ibinigay noon kay Dating Justice Secretary at ngayon ay Senador Leila de Lima, tuluyan nang ibinasura ng DOJ Panel of Prosecutors ang reklamong illegal drug trafficking na nauna nilang inihain laban kay Dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos.

Si Ragos ay naupo rin bilang officer in charge ng Bureau of Corrections (BUCOR) noong panahon ni De Lima bilang kalihim ng DOJ.

Sa 11-pahinang resolusyon, tinukoy ng DOJ na naremedyuhan na ang isyu tungkol kay Ragos na kaya sinampahan ng kaso sa korte ay dahil sa pagtanggi niya na aminin ang pinanggalingan ng pera na kanyang idineliver sa bahay ni De Lima.

Ang nasabi umanong pagtanggi noon ni Ragos ay taliwas sa nilagdaan niyang Memorandum of Agreement sa Witness Protection Program.

Pero nagsumite umano si Ragos ng karagdagang sinumpaang salaysay na nagdedetalye ng pinanggalingan ng pera.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Ragos na ang dalawang P5 milyon na kanyang inihatid kay De Lima ay galing kay Peter Co at ang pera ay bilang bahagi umano ng dating kalihim sa kita mula sa drug trade sa Bilibid.

Isa umanong inmate na nagngangalang Han Tan ang tumawag sa kanya at nagkumpirma na ang pera ay galing kay Peter Co.

“In support of my earlier declarations, I confirm that on or about November 24, 2012, I found a black bag inside my bedroom at the Director’s Quarters at the BuCor and when I inspectrd the contents thereof, I found money in P1,000.00 denomination. I counted the same and the same amounted to P5 million. I later found out from Jordan, an inmate who is allowed to enter the quarters to clean and bring in food and water, that it was him who brought the b[l]ack bag containinr the money to my quarters.

“Not long thereafter, I receive a call from Han Tan also an inmate, who informed me that the P5 million came from Peter Co and that the said money are proceeds of drug trade at the National Bilibid Prison. Hans Tan further told me that the said amount is the share of Secretary De Lima in the drug trade which she will use in her senatorial bid.

“With respect to the other P5 million which I, also accompanied by Mr. Ablen, again deliveted to the house of Secretary De Lima, the same was brought to my room at BuCor by Jordan. I was again informed by Hans Tan that the said amount also came from Peter Co and that it is the share of the then Secretary in the drug trade inside the National Bilibid Prison,” ang bahagi ng karagdagang sinumpaang salaysay ni Ragos.

Dahil dito, naghain na ang DOJ ng Amended Information sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 kung saan inaalis na ang pangalan ni Ragos bilang isa sa mga akusado sa kasong paglabag sa Section 26-B ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa pakikipagsabwatan sa illegal drug trade. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?