46

Apr 3, 2019 @ 14:28
By

Drug traffickers mga satanas – CBCP

Tinawag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valle na satanas ang mga taong nasa likod ng operasyon ng iligal na droga.

Sa isang homilya, nagpahayag ng kalungkutan ang arsobispo dahil laman ng balita araw-araw ang mga nakukumpiskang bilyon-bilyong halaga ng iligal na droga.

“In the news, we see not just thousands but billions worth of drugs shipped into the country by drug traffickers. They are satans,” ayon sa arsobispo.

Dismayado si Valles dahil sinisira ng bawal na droga ang pisikal na kalusugan ng isang tao pati mga pangarap nito.

Dahil dito’y nanawagan ang arsobispo sa publiko na huwag magpatukso sa kalakalan ng iligal na droga.

Inilunsad din niya ang Sagop Kinabuhi (Save Lives) Program (SKP), isang drug rehabilitation program para sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot at matulungan sila na makabalik sa lipunan.

Sinabi ni Valles na dapat magkaisa ang Simbahan at ibang sektor para tulungan ang mga biktima ng bawal na gamot.

Giit ni Valles, mahalaga ang bawat buhay tao at ito ang turo ng Diyos na hindi kailanman mababago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?