47

Jul 19, 2021 @ 15:58
By

Drug trader arestado sa Zamboanga

Tiklo ang isang big-time drug trader nitong Linggo sa Zamboanga City kung saan nakumpiska ng mga awtoridad ang iligal na drogang may halagang nasa P3.4 milyon.

Kinilala ang suspek na si Benhar Mowa, residente ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa mga alagad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsagawa ng operasyon, naaresto si Mowa sa isang parking lot ng isang mall sa Barangay Sta. Maria.

Nakumpiska umano sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang kahon ng face mask.

Ayon sa pulisya, si Mowa ay miyembro ng isang sindikato na kumikilos sa ilang bahagi ng Mindanao. Sa Sulu rin daw ito kumukuha ng suplay.

Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?