31

By

Drug test sa DILG, walang sasantuhin – Año

Kasama na sa mandatory drug test maging ang mga opisyal ng DILG.

Ito ang sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año at aniya bahagi ito ng ‘all out war’ laban sa droga ng gobyerno.

Paalala pa nito, ipatutupad pa rin ang ‘one strike policy’ sa kanilang mga opisyal at kawani na magiging positibo sa paggamit ng droga.

“No one is exempted from this drug testing in the department, not even the officials. We want to send a message that we ourselves are drug-free and we are ready to lead the anti-illegal drugs fight until the end,” pagdidiin ni Año.

Kasama din sa drug test ang mga tauhan na nasa ilalim ng job order at contract of service status.

Ayon pa sa opisyal, bahagi din ang drug test sa paunang requirement para sa pagpasok sa anumang posisyon sa kagawaran.

Sinabi pa ni Año na may 15 araw ang isang magpo-positibo sa paggamit ng drog para kuwestiyunin ang resulta.

Paalala pa ng opisyal ang mapapatunayang gumagamit ng droga ay mahaharap sa kasong administratibo na brave misconduct na ang kaparusahan ng pagkakatanggal sa serbisyo.

Una nang sumalang si Año at ang 1,000 opisyal at kawani ng DILG Central Office sa drug test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?