1,659

Nov 23, 2021 @ 21:58

Drug test result ni Marcos Jr. pinagdudahan

Pinagdudahan ng mga netizen ang negative drug test result ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y matapos kumalat ang screenshot ng pag-uusap ng isang netizen at pinsan niyang nagtrabaho diumano sa St. Luke’s BGC kung saan nagpa-drug test si Marcos Jr. matapos ang pasabog ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang presidential bet ang tumitira ng cocaine.

Sinabi ng diumano’y pinsan ni @gilbertus66, peke umano ang drug test result ni Marcos Jr., dahil wala itong QR code, letterhead at logo ng ospital.

“They just made that up. Ni walang logo ng ospital. May proper header and sa baba ng papel may hospital details. Di rin ganyan ang format ng result. Plus, as ive said my QC code dapat,” sambit ng sinasabing dating empleyado ng St. Luke’s.

Sa ngayon inaabangan ng mga netizen ang pahayag tungkol dito ng ospital.

Trending nitong Martes sa Twitter Philippines ang St. Lukes.

Narito ang ilang komento nila:

@Pau_Mig: “I wonder will St. Lukes actually release a statement saying this aint legit or are they gonna play politics too haha.”

@estepbit: “This looks fake af, when has st. lukes ever released lab results as plain looking as this???? No letterhead/logo and wrong address. But then again di ka na din magugulat diploma nga nya fake e.”

@iamXavierrrr: “I need an official statement from st. lukes now!”

@unoversa24: “St. Lukes Global City should release a statement to verify whether Bongbong Marcos really had his test with them or not. Para matigil na ang chika chika.”

@SamSam99281907: “Iba ang itsura ng drug result sa st. Lukes. What’s suprising is he only tested for Cocaine. What about the other drugs?”

@082836: “Yes, my wife and I also had a check up and executive check up there, thats not the proper results and paper of st.lukes BGC.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?