51
soco23
By

Drug suspect patay sa drug ops sa Tanza, Cavite

Sharing is caring!

Napatay ang isang drug suspect habang nakatakas naman ang kasama nito makaraang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station at PDEA kaninang madaling araw sa Tanza Cavite.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jomarie Buenavista, alyas “Jomar” habang ang nakatakas nitong kasama ay kinilala sa alyas “Charlie”.

Ayon kay PNP CALABARZON Spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, alas 3:00 ng madaling araw kanina nang isagawa ang operasyon laban sa dalawang drug suspek.

Ngunit nakahalata ang mga ito na sila ay nakikipagtransaksiyon sa mga pulis kaya agad na tumakas ngunit nakorner si Alyas Jomar sa isang abandonadong bahay.

Sa halip na sumuko, pinagbabaril nito ang mga pulis hanggang sa mapatay sa engkuwentro.

Si Jomar ay No. 3 sa street level target personality ng Tanza PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?