16
patay
By

Drug suspect na sisilbihan ng warrant, patay matapos manlaban

Sharing is caring!

Todas ang umano’y kilabot na drug pusher sa Taguig City at mga karatig siyudad matapos pumalag sa mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest laban dito.

Sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Southern Police District (SPD), dakong alas-kuwatro ngayong hapon, sisilbihan dapat ng warrant of arrest para sa drug cases ang suspek na si Sonny Santos, 35 hanggang 40 anyos, residente ng Brgy. Napindan.

Habang pumapasok sa gate ng bahay nito ang mga pulis, namaril umano si Santos kaya napilitan ding magpaputok ang mga pulis.

Sa sandaling putukan, tinamaan sa dibdib ang isa sa mga pulis na si PO1 Sahraman Azura Hadjilatip.

Ligtas si Hadjilatip dahil nakasuot ng bulletproof vest habang hindi naman nakaligtas ang suspek.

Isisilbi sana kay Santos ang dalawang warrant of arrest para sa mga kaso nito na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?