61

Feb 19, 2020 @ 13:17
By

Drug suspect inutas matapos ang hearing

Patay ang umano’y isang drug personality na kagagaling lamang sa court hearing matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng tricycle sa Sta. Cruz, Laguna, Martes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Naldy Baldemora, residente ng Lumban, dahil sa mga tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Sta Cruz police, galing sa Regional Trial Court sa nasabing bayan ang biktima nang ito ay barilin ng mga hindi nakilalang suspek habang papasok sa Monserrat Subdivision sa Barangay Sto. Angel Sur.

Sinabayan ng mga nakamotorsiklong suspek ang tricycle na sinasakyan ng biktima at saka pinagbabaril.

Napag-alaman ang ang biktima ay kilalang drug personality sa lugar at ilang beses na ring nahuli dahil sa pagtutulak ng shabu.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?