407

Sep 25, 2019 @ 15:33
By

Drug queen ng Manila, pinakilala na!

Binisto na ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng binansagang ‘drug queen’ sa Manila ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay MPD Chief Brigadier General Vicente Danao Jr, isang barangay official sa Sampaloc ang kumukuha ng mga nakumpiskang iligal na droga at binebenta.

Pinangalanan ni Danao na Guia Gomez Castro ang sinasabing drug queen sa Manila.“June 2018 unang umugong sa MPD na mauupo bilang DISTRICT DIRECTOR si GENERAL DANAO at posibleng sumibat o nagtago na si Guia Gomez,” ayon sa pahayag ni Danao.

Nagsimula na daw magtago si Castro, patunay umano ang pagpalit sa kanya ni Antinio Calima bilang barangay chairman noong July 2018.

Sa ngayon ay high priority na mahanap ng mga awtoridad si Castro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?