63
‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust
By

‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust

Nabingwit ng mga awtoridad ang apat na drug suspect kabilang na ang itinuturing na “reyna ng droga” sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City, Linggo ng gabi.

Kinilala ng Northern Police District (NPD) ang mga naaresto na sina Rosario Enriquez, 51, at dating barangay safety officer Dennis Alvarez, 48, sa Barangay North Bay Boulevard-South.

Si Enriquez umano ang tinaguriang “drug queen” ng nabanggit na siyudad.

Nakumpiska kay Enriquez ang anim na sachets ng shabu at cash habang kay Alvarez ay 11 sachets ng shabu at kalibre .38 na baril na may bala.

Samantala, bago ang operasyon laban kina Enriquez at Alvarez, una nang nadakip si John Clemente, 33, tricycle driver, at drug user na si Zindy Amadovar.

Nakumpiska kay Clemente ang dalawang sachet ng shabu at marked money habang kay Amadovar ay isang sachet ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?