socoa
By

Drug pusher todas sa apartelle

Sharing is caring!

Pinagbabaril at napatay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 21-anyos na lalaki matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa loob nang nirerehtahan nitong apartelle sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa report ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, PCSupt Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang napatay na suspek ay nakilalang si Darwin Cunanan, residente ng No. 121 Mother Ignacia St., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao Police Station 7 na pinamumunuan ni Police Senior Inspector Ramon Aquiatan ng ‘anti-illegal drug buy-bust’ operation matapos ang surveillance sa nasabing suspek.

Nang magpositibo ang surveillance ay nakipag-transaksiyon na ang mga tauhan ng SDEU at nagpanggap na buyer si PO1 Anthony Susas, kaya pinapunta siya ng suspek sa nirerentahan nito sa room no. 111 Cubao Apartelle na matatagpuan sa No. 846 Aurora Blvd., corner C. Benitez St., Brgy. Kaunlaran, dakong alas-3:40 ng madaling araw .

Subalit nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya agad na bumunot ito ng baril at pinaputukan si Susas pero mabilis namang nakaiwas ang huli kaya hindi tinamaan ng bala.

Dahil dito ay agad na nagsilitawan ang mga nakapaligid na pulis at pinagbabaril ang naturang suspek.

Nang duguang bumagsak ang suspek ay isinugod pa ito sa Quirino Memorial Medical Center pero idineklara rin itong dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Vincent Syquian dakong alas-4:50 ng madaling araw.

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang green card na pag-aari ng susppek at naglalaman ng tatlong piraso ng sachet ng shabu, cal. 45 Llama pistol at mga basyo ng bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?