51
Muntinlupa
By

Drug pusher todas, 4-anyos sugatan sa hostage drama

Humandusay ang isang tulak ng droga habang sugatan naman ang 4-anyos na batang lalaki sa drug bust na nauwi sa hostage situation sa Lipa City, Batangas, Huwebes ng hapon.

Ayon sa report, sumalakay ang Tanauan City Drug Enforcement Unit sa Barangay Poblacion 1 sa Tanauan para magsagawa ng drug bust laban kay Christopher Nones Javier, na isa umanong shabu dealer.

Nang makatunog si Javier na pulis ang buyer niya, sumakay ito ng motorsiklo at tumakas patungong bayan ng Sto. Tomas.

Nakorner siya sa bahay ng kaanak sa St. Joseph Homes Subdivision sa Lipa City.

Binaril ng suspek si Master Sergeant Dante Robles pero hindi ito tumalab sa suot na armored vest ng pulis kaya kumuha ng hostage si Javier na mag-inang kaanak niya.

Nabaril umano ng suspek ang bata sa kaliwang kamay bago siya napatay ng mga pulis.

Dinala ang bata at ang suspek sa Metro Lipa Medical Center pero dineklarang dead on arrival ang huli habang ginamot ang una sa kanyang tinamong sugat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?