SHABU2
By

Drug pusher tiklo sa Pasig

Sharing is caring!

Arestado ang isang kilalang tulak ng Pinagbuhatan habang nakatakas naman ang kasama nito sa ikinasang drug buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nakilala ang arestadong suspek na si Reynante Pajita y Quitalig, nasa hustong gulang, habang nakatakas naman ang kasama nito na si Jerry Lopez matapos makatunog na pulis ang kanilang katransaksyon.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement unit ng Pasig police bandang alas 9:15 kamakalawa ng gabi sa 3rd Malasaga St. sakop ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakipagtransaksyon ang mga poseur buyer na pulis sa dalawang suspek at nang nagpositibo na sila sa pagkuha ng droga ay aktong huhulihin na nang makatunog si Lopez ay agad na itong tumakas.

Nakuha mula kay Pajita ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu at P 500.00 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong si Pajita sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?