109

Dec 21, 2017 @ 13:42
By

Drug pusher sa Pasig tiklo sa buy-bust

Arestado ang isang kilalang drug pusher ng Pinagbuhatan matapos masakote sa isinagawang drug buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kulong ngayon sa Pasig detention cell si Ariel Ayawan y Jepongol, nasa hustong gulang at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Pasig police sa kahabaan ng Villa Patukod, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at nang aktong ibibigay na ang droga ay dinakma ang suspek.

Nakumpiska kay Ayawan ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?