95
shabu4
Apr 2, 2019 @ 16:51
By

Drug pusher sa Maynila tiklo sa P1.3M shabu

Umaabot sa P1.3 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa 40-anyos na lalaki ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region (NCR) at Manila Police District (MPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila.

Natimbog suspek na si Abel Ampan Buisan, alyas Abel, 40, residente ng Blk 11 Baseco Compound, Port Area, Manila City dakong alas-11:00 ng gabi sa Remegio Street, kanto ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz.

Nakumpiska sa suspek ang apat na pakete na naglalaman ng 200 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P1,360,000 kaya’t agad na itong binitbit sa PDEA headquarters sa Quezon City upang ikulong at kasuhan.

Nahaharap si Buisan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?