17

Drug pusher sa Davao, todas nang manlaban sa buy-bust

Sharing is caring!

Pinasusuko na ng kanyang tiyuhing kagawad ang isang 24-anyos na lalaki pero nagmatigas ito at bumalik sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.

Kamatayan ang kinahantungan ni Bernie Versoza matapos manlaban umano sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Leon Garcia Agdao, Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Sta. Ana Police, agad bumunot ng baril ang suspek nang maramdaman na pulis ang pinagbentahan niya ng isang sachet ng shabu.

Narekober kay Versoza ang ginamit umano nitong revolver.

Dati nang nakulong noong 2013 si Versoza sa kasong pagnanakaw at paggamit ng solvent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?