14
shabu-1
By

Drug pusher sa Binondo, arestado

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang babae na notoryus umanong tulak ng droga sa lungsod ng Maynila.

Arestado ang suspek na si Jizan Salafranca, 39-anyos, walang asawa at trabaho matapos makabili ang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek nang ikasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng station drug enforcement team ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District.

Sampung sachet ng shabu ang nakumpiska sa suspek pati na ang tatlong piraso ng P100 bill na ginamit na buy-bust money ng pulis na nagpanggap na buyer kay Salafranca.

Naaresto ang suspek pasado alas-4:50 ng madaling-araw ng Miyerkules sa bahagi ng Clavel corner Sevilla Street, Binondo, Manila.

Kasalukuyan nang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa Binondo ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?