67

Aug 5, 2018 @ 13:15

Drug pusher patay sa drug ops sa Lucena

Nasawi ang isang diumano’y tulak ng iligal na drug nang makipagbarilan diumano sa mga pulis sa Lucena City, Quezon Linggo ng umaga.

Ayon sa report, aarestuhin ng mga pulis si Rainner “Migz” Magadia sa Barangay Ibabanag Iyam alas-3:00 ng umaga nang bumunot ito ng baril at barilin ang arresting officer na nagpanggap na buyer.

Gumanti ng putok ang pulis at napatay ang suspek.

Sa Barangay Dalahican, dinakip naman si Nelson “Sawa” Hernandez ng pinagsanib na puwersa ng local drug enforcement unit at Philippine Drug Enforcement Authority.

Armado ng search warrant, ni-raid ng mga awtoridad ang bahay ni Hernandez at inaresto alas-3:00 ng madaling araw.

Hindi naman nadatnan sa bahay si Ronel na sinasabing kilabot ng tulak sa kanilang lugar.

Nakuha sa bahay ng mga Hernandez ang 6.2 gramo ng shabu at weighing scale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?