153
soco12
By

Drug pusher patay, pulis sugatan sa Valenzuela buy-bust ops

Sharing is caring!

Humandusay ang isang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot habang sugatan ang isang pulis nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Valenzuela City kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, alas-7:30 ng umaga nangyari ang insidente sa Sitio Luis Kabatuhan, Brgy. Gen. De Leon ng nasabing lungsod.

Target ng operasyon ang suspek na nakilala lamang sa alyas Arnel.

Gitna ng transaksiyon ay natunugan ng suspek na pain lang sa kanya ang nangyayari kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang isa sa mga pulis na si PO1 Maverick Perez, na gumanti rin ng putok.

Naisugod ang dalawang sugatan sa Valenzuela City Medical Center ngunit hindi na pinalad na mabuhay ang suspek na idineklarang dead on arrival habang ginagamot pa si PO1 Perez sa tama ng bala sa kanang balikat.

Samantala, inaresto ng pulisya ang umano’y kinakasama ng supek na nakilalang si Arlyn Lamban, 32, dahil umano sa pagkakasangkot din nito sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?