9

By

Drug pusher nasukol sa hindi lisensiyadong baril

Sharing is caring!

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station 1 ng Manila Police District ang isang annihilation drug pusher na nasa drug watch list matapos na mahulihan ng baril sa isinagawang Simultaneous Anti- Criminality and Law Enforcement Operation sa Moriones Street kanto ng Franco Street Tondo, Maynila Linggo ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jeasie Rocero 27 anyos at residente ng Victor Lope Compound Brgy. 93 Tondo Manila.

Ayon kay PO1 James Van Pebinito, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation ang mga operatiba ng Station 1 ng MPD sa Moriones Street kanto ng Franco sa Tondo Manila dahil sa napaulat na kilala ang suspek na pusher sa lugar bukod pa sa nasa listahan ito ng drug watch list.

Narekober kay Rocero ang isang sumpak at plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa ng pulisya laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?