362

Dec 16, 2017 @ 11:09

Drug pusher, kulong sa 100 gramo ng shabu

Arestado ang isang kilabot na drug pusher matapos makumpiskahan ng 100 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Zamboanga City.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-9 Regional Director Lyndon Aspacio ang suspek na si Alman Aju Emdalis, alyas ‘Alden’, 26, ng Pag-asinan, Bongao, Tawi-Tawi.

Bandang alas-siyete ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng puwersa ng PDEA-9 sa NS Valderrosa St., Zamboanga City na malapit sa city hall ng lungsod.

Dalawang malalaking pakete ng shabu na naglalaman ng 100 gramo ang nakumpiska mula sa suspek.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA operatives matapos magpanggap na buyer ang isa sa agent at nang aktong tinatanggap ang P160,000 bayad sa shabu ay saka ito dinakip.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165) na isasampa laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?