77

Oct 14, 2017 @ 16:38

Drug pusher binoga habang natutulog

Nasawi and isang construction worker matapos na barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog ang una sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng hapon.

Naganap ang insidente alas 5:30 ng hapon sa harap ng pamamahay ng biktimang si Leandro Orbito, 29 anyos sa Bahay Bukid Street, Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Natutulog ang biktima sa isang folding bed nang lapitan ng hindi pa nakikilalang lalaki at bigla na lang binaril. Tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Aminado naman ang ina ng biktimang nakilalang si Eulogia Orbito, 53 anyos na sangkot nga umano sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang anak. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?