146

Jun 27, 2018 @ 12:54
By

Drug lords, drug traffickers naman ang puntiryahin – Pimentel, Escudero

Iginiit nina Senador Koko Pimentel at Senador Chiz Escudero na ibaling na ang war on drugs ng gobyerno.

Mula sa mga maliit na drug pusher at drug user, puntiryahin naman anila ang mga sindikato na nagpapasok ng droga buhat sa ibang bansa, ang gumagawa ng droga at ang nagpapabaha nito sa mga komunidad.

Diin ni Pimentel, all-out war laban sa drug manufacturers, drug suppliers at drug lords ang kailangan ngayon.

Hindi umano darami ang gumagamit ng droga at hindi ito mabibili kahit ng mga estudyante at mahihirap kung hindi nagkalat at murang nabibili ang droga.

β€œThe ultimate goal, of course, is to make the Philippines drug-free. But this journey begins with the correct step. Go after the supply! All-out war against the suppliers!” pahayag ni Pimentel sa text message.

Ayon din kay Escudero, dapat ay pataas sa mga drug lord at drug suppliers ang aksyon ng mga awtoridad.

Pinuna na pababa sa maliit na pusher at user ang puntirya ng pulisya at pinagdidiskitahan pa ng drug test ang mga nasa elementarya.

Ipinaalala ni Escudero na dalawang taon na ang kampanya kontra droga pero hindi pa aniya natutupad ang pangakong pagsawata rito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?