565

Oct 7, 2018 @ 17:05
By

‘Drug joke’ ni Alex Gonzaga, binatikos ng netizen

Pinalagan ng isang netizen ang aktres/vlogger na si Alex Gonzaga dahil sa isang vlog nito na nagbitiw siya ng ‘insensitive joke’ sa grupo ng kalalakihan tungkol sa iligal na droga.

Sa tweet ni Jericho Rayel Timbol, ibinahagi niya ang parte ng video ni Alex kung saan sinabi rito ni Alex sa grupo ng kalalakihan na “Anong pinagbubulungan niyo diyan? Oh ngayon drug test tayo.”

“This is a clip of the Cubao Expo vlog of Alex Gonzaga. This is so insensitive on so many levels especially now that the government is out there killing people tagged as drug users. Second, hindi siya funny. Hindi nakakatawang pagbintangan kang adik,” ayon sa tweet ni Timbol.

Nag-sorry naman si Alex sa mga netizen na nainis sa kanyang ‘insensitive joke’ at binanggit din niya si Timbol sa kanyang tweet.

“To some people who find my humor annoying and insentive, sorry. How I wish you may never see or click any of my videos again. Lalo na sayo @jerichorayel kasi sobra na galit mo at tinag mo pa ko. Pero sa mga natutuwa, tuloy tayo!!!” tweet ni Alex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?