380

Jul 24, 2018 @ 19:45
By

Drug education kasama na sa subjects sa paaralan

Magiging bahagi na ng mga subject sa mga eskuwelahan ang edukasyon ukol sa mga droga.

Nagpalabas ng Department Order No. 30 si Education Sec. Leonor Briones hinggil sa Preventive Drug Education Program Policy for Curriculum and Instruction.

Aniya, tugon nila ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin pa ang pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa iligal na droga.

Sinabi nito na ang DepEd sa ngayon ay nakatuon sa drug prevention.

Ang bagong programa ay produkto umano ng kanilang pagkonsulta sa iba’t ibang sektor kasama na ang mga grupo ng mga kabataan at guro.

Sinabi ni Briones na sasakupin ng polisiya ang lahat ng kanilang mga kawani at mag-aaral.

Hinihikayat niya ang mga pribadong paaralan na gumawa ng sarili nitong polisiya alinsunod sa naturang programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?