18

Apr 15, 2021 @ 20:49
By

Drug den sa Subic bistado, 10 timbog

Sampung suspek ang nalambat sa pagsalakay sa sinasabing drug den sa Purok 6B, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales nitong Huwebes.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon Director Christian Frivaldo, nasa P120,000 halaga ng shabu at iba’t ibang paraphernalia rin ang nakumpiska.

Kinilala ang umano’y mga caretaker ng drug den na sina Jordana Rivera Inuk, 33, at Melvin Araneta Tigbe, 33.

Nadakip din sina Abdulgani Salaman Lamani, 46, security personnel; Ajirya Saral Ibnohari, 49, store vendor; Roger Salaman Lamani, 33; Jainal Ibnuhali Jilin, 28, helper; Benny Isnani, 40, mangingisda; Robert Nali, 35, store owner; Jeff Pussan, 57, mangingisda; at Raymond Dionisio Echague, 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?