50

May 11, 2021 @ 17:55
By

Drug den sa Cebu City sinalakay, dating boksingero timbog

Pito katao, kabilang ang dating amateur boxer, ang nasakote matapos salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI 7) ang isang hinihinalang drug den sa Barangay Kasambagan.

Ayon kay NBI 7 Regional Director Renan Oliva, dalawang taon nang nag-o-operate ang drug den.

Ang mga residente raw ang nag-report sa kanila tungkol sa iligal na aktibidad sa lugar.

Nadiskubre ang drug den sa isa sa mga kuwarto sa bahay na pag-aari ni Rogelio Sabellano noong Biyernes, Mayo 7.

Maliban aniya sa pagpapatakbo ng drug den, sangkot din si Sabellano at bayaw na si Junrey Baguio, dating amateur boxer, sa pagtutulak ng droga.

Samantala, nahuli habang bumabatak ng shabu sa drug den sina Jorge Encontro, Jude Olgasan, Noel Fernandez, Alvin Veloso at Kim Sembrano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?