15

Nov 14, 2021 @ 9:04
By

Drug den binuwag; 5 miyembro ng gang arestado sa Cotobato

Arestado ang 5 miyembro ng isang gang matapos mabisto ng anti-narcotics agent ang hinihinalang lihim na drug den na inoopera ng mga ito, Sabado, Nobyembre 13.

Kinilala ang mga drug den operator na sina Mary Joy Ostaga, Jocelyn Albaño, Jojean Saul, Ariel Felisida, at Ronald Lascuna.

Batay sa ulat ng director ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 na si Naravy Duquiatan, nasabat sa mga suspek ang P35,360 halaga ng shabu.

Magkasama ang limang suspek bago sila arestuhin ng madaling araw sa kanilang lungga sa Abrea Homes sa Barangay Cannery, Polomolok.

Sinabi ni Duquiatan na si Saul ang supplier ng shabu na inilalako ng grupo sa kanilang mga contact sa bayan at mga kalapit na bayan sa South Cotabato at sa Alabel, Sarangani.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang suspek. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?