115

Dec 24, 2018 @ 13:16

Drug case ni Faeldon Jr., ibinasura

BINALEWALA ng inquest prosecutor ang kasong isinampa laban sa anak ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Bicol Region Police Director Arnel Escobal nakalabas na rin ng kulungan si Nicanor Faeldon Jr., base sa kautusan ng hukuman.

Kinasuhan ng operating and maintaining a drug den at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakakabatang Faeldon.

Inaresto si Faeldon Jr., noong Disyembre 14 sa isang hinihinalang drug den sa Naga City kasama ang tatlong iba pa.

Kinabukasan ay lumabas ang resulta ng drug test sa kanya at negatibo siya sa paggamit ng kahit anumang uri ng droga.

Nang malaman ang pagkaka-aresto sa anak, agad sinabi ni Faeldon na handa siyang mag-leave sa trabaho para hindi maakusahan ng panghihimasok sa kaso.

Sinabi pa nito na kapag napatunayan din na gumagamit ng droga ang anak ay siya na mismo ang papatay dito. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?