32

Oct 12, 2017 @ 15:50

Drug activity, krimen lolobo – PNP

Nangangamba ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtaas ng drug activity at krimen sa bansa matapos na alisin na ang Philippine National Police bilang lead agency sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, makikita sa rekord na noong inihinto ng PNP ang anti-illegal drugs operation mula buwan ng Enero hanggang Marso ay tumaas ang krimen.

Subalit umaasa ang PNP na sa maigitng nilang ikakasang anti-criminality campaign ay hindi muling tataas ang krimen.

Kaugnay nito, naniniwala naman ang PNP na marami silang natulungan sa isang taon at tatlong buwang ikinakasang war on drugs.

Patunay aniya dito ang pagsuko ng 1.3 milyong drug suspect at ngayon isinasailalim sa drug rehabilitation para makapag-bagong buhay. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?