76

Oct 28, 2017 @ 15:45

Drones, bawal sa ASEAN — CAAP

Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nagbabalak magpalipad ng drones o unmanned aircraft vehicle (UAV) sa gaganaping 31st ASEAN Summit.

Nagpalabas kahapon ang CAAP ng abiso hinggil sa pagpapatupad ng ‘no fly zone’ sa mga venue ng pagtitipon ng mga world leaders sa Maynila at Clark, Pampanga simula sa darating na Nobyembre 9 hanggang 17.

Kasabay nito ang pagpapalabas ng ahensiya ng notice to airmen (NOTAM) kung saan kasama sa ipinagbabawal ang drone operations mula Nobyembre 9 at sakop ng kautusan ang 40 nautical miles radius mula sa Luneta Park at 40 nautical miles radius mula sa Clark.

Sa ilalim ng probisyon ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR), ang mga operators na lalabag sa rules of memorandum ay pagmumultahin ng P300,000 hanggang P500,000 depende sa paglabag. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?