133

Nov 7, 2017 @ 17:04
By

Drogang nasabat sa bakuran ng Malakanyang, ‘alarming’ – Palasyo

Naalarma ang Malacanang sa nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P10 million mula sa isang Chinese national na nakatira malapit sa Gate 1 ng Malacañang.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, dapat managot at maparusahan ang naarestong suspect na si Diane Yu Uy, anak ng notorious drug queen na si Yu yuk Lai.

Sinabi ni Roque na dapat maimbestigahang mabuti dahil wala ng pinipiling lugar ang mga nasa illegal drug trade para sa kanilang illegal na operasyon.

Ang condo unit na inuupahan ni Uy ay ilang metro lamang ang layo sa gate 1 ng Malacanang at walang nakahalata sa ginagawa ng suspect hanggang sa i-operate ito ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tinitiyak ni Roque na walang makakalusot sa imbestigasyon at mananagot ang mga sangkot sa illegal drug operations.

“No stone will be left unturned in investigating this particular instance ‘no.We recognize that this is alarming that drugs were seized from a house very near Malacañang. And I assure you it will be investigated fully and that the perpetrators will be brought to justice,” ang pahayag ni Roque.

Samantala, back to barracks si PO3 Walter Vidad bilang police security detail ni Diana Uy ang negosyanteng nakuhaan 17 million halaga ng illegal drugs at cash sa kanyang condo sa lungsod ng Maynila kahapon.

Ayon kay Police Security Protection Group head, Chief Supt Joel Crisostomo De leon Garcia mananatili muna sa kanilang tanggapan si Vidad habang nagpaapatuloy ang imbestigasyon.

Ilan aniya sa aalamin sa imbestigasyon kung sangkot si Vidad sa illegal drugs transanctions ni Daina Uy, aalamin din ang lifestyle ni Vidad.

“Magiging part ng investigation yan. we have to find out kung meron siyang involvement orsomehow nagdevelop yung kanilang rapport since four years siyang psp ni dianne uy” sinabi ni Garcia.

Sa rekord ng PNP PSPG taong 2015 pa nakatalaga si Vidad kay Diana Uy bilang Police Security nahinto ng 2016 dahil sa ginanap ng national election pero naibalik muli kay uy pagkatapos ng eleksyon. (Aileen Taliping and Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?