13

Oct 13, 2020 @ 23:41
By

Droga tinitingnan sa Bilibid riot

Posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang nangyaring madugong riot sa loob ng New Bilibid Prison noong Oktubre 9.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa ulat sa “24 Oras”, lumabas sa pag-iimbestiga ng BuCor na maaaring isa ang droga sa dahilan ng riot.

“Kung mayroon man nakakalusot diyan, in-estafa ‘yung drugs mo, ano’ng gagawin mo?” sabi ni Bantag.

Magugunitang noong Biyernes sumiklab ang riot sa Bilibid sa pagitan ng magkalabang grupong Sputnik at Commando.

Siyam ang naitalang nasawi sa insidente.

Samantala, mahigit 400 patalim at armas ang nakumpiska sa ginawang pag-iinspeksyon sa dalawang gusali ng Bilibid nitong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?