215
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
Sep 2, 2019 @ 16:01
By

Driver utas sa pananambang sa Muntinlupa

Patay ang isang driver nang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Putatan, Muntinlupa City nitong Lunes ng umaga.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot nang buhay sa Muntinlupa City Medical Center ang biktimang si Donnie Apostol, 39, driver ng catering service at nakatira sa Soldiers Hills Village, Barangay Putatan ng naturang siyudad.

Base sa isinumiteng report ni Police Col. Gerry Umayao, hepe ng Muntinlupa City Police alas-7:15 ng umaga (Setyembre 2) nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Main Road ng Soldiers Hills Village.

Lumalabas sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan at minamaneho ng biktima ang isang Toyota Vios na may plakang NBQ-8277 nang biglang sumulpot at tabihan ng isang motorsiklong walang plaka na magkaangkas ang dalawang lalaki.

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at walang salitang pinagbabaril ang biktima at nang masiguro nilang napatay na ito ay mabilis na tumakas sa hindi mabatid na direksyon na lugar na palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Agad namang isinugod ng mga rescue team ang biktima sa nabanggit na pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang motibo ng pamamaslang sa biktima.

Samantala, dinala na sa Peoples Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya ang mga labi ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?