12

Driver sugatan sa sumalpok na trak

Sharing is caring!

Nasugatan ang isang driver matapos magdesisyon na ibangga na lamang sa poste ang nawalan umano ng preno na kanyang minamanehong truck sa Antipolo City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa DZMM, bumangga ang isang 18-wheeler truck na may kargang softdrinks sa ginagawang poste ng LRT-2 Extension sa kahabaan ng Barangay Mayamot ng nabanggit na lungsod.

Pasado alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente makaraang mawalan ng preno ang truck.

Nagdesisyon umano ang ‘di pa nakikilalang driver na ibangga na lang ang sasakyan sa isang poste upang hindi maka-aksidente ng ibang motorista.

Sa lakas ng pagkabangga ay nawasak ang unahan ng trak at nagkalat sa daan ang mga basag-basag na bote ng softdrinks.

Samantala, ayon kay Bernardo Pascual, ng Office of Public Safety and Security, dinala na ang driver sa Amang Rodriguez Medical Center para sa paunang lunas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?