88
knife
Oct 6, 2017 @ 14:59

Driver sinaksak sa maingay na tambutso

Nakuha sa closed-circuit television ang insidente ng pananaksak sa isang tricycle driver sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Sampaloc, Maynila.

Makikita sa video kung paano inundayan nang magkakasunod na  saksak ng suspek na kinilala lamang sa alyas na ‘Melvin’, isang magtataho ang 17-anyos na biktimang si alyas ‘JL’ na noo’y ipinaparada ang minamanehong tricycle.

Nabatid sa pagsisiyasat sa katawan ng biktima na tatlong beses ito tinaman  ng saksak ng kitchen knife kung saan tumama sa kaliwang braso nito ang kutsilyo.

Base sa pahayag ng Barangay Chairman na si Danny Espino ng Brgy. 581, nagalit umano ang suspek ang  biktima dahil maingay ang tambutso ng tricycle nito.

Ayon kay Espino, madalas napapaaway ang suspek kapag nalalasing ito.

Inabot pa ng ilang oras ang habulan, pero bigo ang mga pulis at mga tauhan ng barangay na maaresto ang suspek na si alyas ‘Melvin’..

Gayunman , nasukol ng pulisya ang kasama ni Melvin na si Pablo Canonce, na umano’y tumulong sa suspek para makatakas.

Depensa naman ni Canonce, hindi niya alam na nanaksak si ‘Melvin’ at naranta lamang siya nang makarinig ng mga kalabog habang natutulog.

Nakuha sa crime scene ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?